This blog contains M2M Erotic Stories about Love and Lust. We do not claim copyright or ownership of any stories in this Blog. BELOW 18 YEARS OF AGE ARE NOT ALLOWED IN THIS BLOG.

THE LIGHTNING TRAIN COMMUTERS BAND (CHAPTER 45)


By: Hallur


CHAPTER 45: THE MUSIC OF THE NIGHT (Andrew Lloyd Weber)


Pininid namin ang pintuan ng aming hotel room.

Nasa loob na kaming dalawa. Pribado. Walang makakakita ng aming mga kasalanan.

Halikan. Akapan. Wala nang takot na pumipigil ngayon.

Inubos ko ang hangin sa loob ng bibig ni Rodney.

Sinipsip ko ang dila niya. Nilinis ng dila ko ang oral cavity niya.

Kumawala na ang halimaw na kinulong naming para lamunin ang isa’t-isa.



Song na pampagana.



Nang matapos ang tagisan ng aming mga labi, tumayo kami ng harapan, dalawang hakbang ang layo sa isa’t-isa.

Hindi maputol ang malagkit naming pagtitinginan.

Daig pa naming ang cross country jogger sa bilis at lalim ng paghinga namin.

“Ano’ng gusto mong pagawa sa akin, coach?” nang-aakit na tanong Rodney.

“Maghubad ka,” utos kong pabulong.



Tinanggal niya ang pantaas niya. Putangina ‘yan. Walang kupas ang katawan niya. Malapad na balikat at dibdib. Formed na braso. Six pack abs.

Tinanggal niya ang sapatos niya. Tapos binaba ang pantalon. Shit. Tang-ina. Mala trosong mga hita.

Wala akong makitang marka sa katawan niya. Shit. Hindi napatid ang titigan naming habang naghuhubad siya.

“Akin ba talaga ‘yan?” kabado kong tanong.

“Lahat ‘to. I am for your consumption. I’m yours alone,” mariin niyang sambit.

Hindi ko napigilan ang mata ko na dumako sa pulang skimpy briefs na suot niya at ang bulge na nandoon. At ang stain sa gitna nito.

Napalunok ako at napakagat labi. Lalo akong pinagpawisan.

Tumingin ako sa mukha niya. Napaka-inosente ng ngiti niya.

Umiling ako, “gustong gusto kita, Rodney… Pero hindi ko alam ang gagawin ko. First time ko ‘to.”

“Hindi kita tuturuan, do what feels right,” payak na tugon ni Rodney, “touch me in the parts na pinakamaganda para sa’yo.”

“Tangina mo Rodney, ano bang hindi maganda sa’yo?” sagot ko sa kanya.



Hinawakan ko siya sa mukha, “gusto ko ang mukha mo, ang guwapo guwapo mo.”

Hinawakan ko siya sa mga braso, “gusto ko kapag niyayakap ako ng mga ito.”

Nilapat ko ang palad ko sa dibdib niya, “gusto ko ang dibdib mo. Matigas. Matapang. Mabilis ang tibok ng puso. Ng puso na tumitibok para lang sa akin.”

Marahan kong sinapak ang matigas niyang tiyan, “hetong abs mo. Nakakalibog tignan.”

Lumapit ako at inikot ang mga kamay ko sa puwet niya. Marahan ko iyong pinisil, “kanina ko pa ‘to gustong lamutakin. Kanina pa.”



Nakapikit si Rodney. Nanginginig.

Napahalinghing siya, “Jay. Please. Please. Touch me there. Please.”

Nangangatog ang braso ko nang ilagay ko ang kanang kamay ko sa harapan ng kanyang brief. Mahigpit na pressure ang nilagay ko sa nilalang na nasa loob.

“AAAAAHHH. Jayjay. Shit, Jayjay,” ungol niya.

Mula sa labas ay nilaro laro ko iyon. “Rodney, hindi ko ide-deny. Nung una kong naramdaman ‘kong dumampi sa katawan ko ito noong nasa LRT tayo, tinablan ako. Kinuwestiyon ko na ang sarili ko. Ikaw lang ang nakagawa sa’kin nito. Wala nang iba.”

“Jay… Ikaw din. Maghubad ka na, please. I want to see you again naked,” pakiusap niya.

“Hindi ako kasing kisig mo, Rodney.”

“Puta, para sa akin ikaw na ang pinaka-hot na lalaking nakilala ko. Wala nang papantay sa’yo. Please, ipiakita mo na sa akin ang matagal ko nang pinagpapantasyahan…”

Tinanggal ko ang aking baro, habang nakatingin pa rin sa kanya. Pagkatapos ang aking pantalon. Sapatos. Medyas, tanggal.

Nakatayo ako sa harapan niya. Naka-itim na brief. Na naninikip.

“Shit. Shit. Papu. Ang sexy mo Papu.”

Lumapit siya sa akin, at pinadulas ang dalawa niyang kamay sa aking mukha, sa leeg, sa braso, sa dibdib, sa tiyan, tapos ikat sa puwet tapos sa harapan ng aking harapang matigas.

“Toned naman katawan mo, Papu, eh.”

“Push-up ‘yan at saka sit-ups lang ‘yan. Tuwing umaga.”

Bumuntong hininga siya. “You are the most beautiful thing in this world.”

Tapos niyakap niya ako. Mahigpit.

Muli kaming nagsalo ng isang masidhing halik. Habang magkalapat ang aming maiinit na katawan.



“Jayjay, level up na natin ‘to. Handa ka na?”

“Gago. Ikaw ang humanda.”

At natanggal na ang huling saplot na bumabalot sa aming dalawa.



--------------------------------------------------------------------------------------------



Nakahiga ako. Si Rodney, sa ibabaw ng aking katawan.

Binulungan niya ako, “nakaka-ilan ka?”

Ngumisi ako, “Tatlo. Apat. Lima. Habang tumatagal, lalong sumasarap.”

“Puwes, subukan natin kung totoo nga ‘yan,” natatawa niyang sambit.



Lumakbay ang halik ni Rodney.

Sa mukha. Tapos sa leeg. Sa dibdib.

Sinipsip niya ang mga nipples ko. Napapa-ungol ako.

Bumaba sa tiyan ang mga halik. Pababa. Pababa. Pababa…



“Laki nito, Jay ah,” banggit ng nakatingalang si Rodney.

“Notorious ‘yan,” biro ko.

“Mukha nga. Mukha ring masarap.”

“Ahhh. Rodney! Shit! Fuck! Ugh! Rodney, shit! Sarap! Ang galing mo! Fuck! I love you! Chino ko! Ahh.”

Napatingin ako sa baba ko.

Nakatitig si Rodney pataas sa akin habang pinapaligaya ako.

Tangina. Napaka-sexy niyang tingnan.



--------------------------------------------------------------------------------------------



“Sigurado ka ba, Jayjay? Hindi mo kailangan gawin ‘to kung hindi ka handa.”

“Tangina, Rodney. Huwag ka makulit. Gusto ko nga.”

Nakaluhod ako at nakatayo si Rodney sa harap ko.

Nakatitig lang ako sa kahandaang nasa harapan ko.

Hinawakan ko iyon. Pinadulas ang aking mga daliri.

Napahigop si Rodney ng hangin.

Nilaro-laro ko muna. Kinabisado ko ang hugis, haba at texture nito.

Inisip kong mabuti kung gagawin ko ang mouth work. Alam ko, sa segundong dumampi ang aking oral mucosa sa penile tissue niya, alam kong hindi na ako isang tunay na lalaki.

Para sa isang straight na katulad ko, kahit sabihin pang wala naman nakakaalam ng pagkakataong ito, mahirap na i-give-up ang aking sexual orientation na kinalakhan.

Pero tumingala ako. Nakita ko ang mukha ni Rodney. Nakayuko at buong pag-ibig at kalibugang nakatitig sa akin habang hinihintay ang gagawin ko.

Handang handa akong ipalit ang sexual orientation ko para sa tingin na ‘yan.



Nagsimula sa dila. Sa marahang subo. Hanggang sa tuluyang pag-angkin sa kanyang pagkalalaki.

“Shit Jayjay! Ah… Sarap! Tangina mo!”

Lalo kong isinubsob ang sarili ko sa harapan niya.

“Putangina! Papu! Tangina! Akala ko ba first time mo?! Tangina! You’re making me a sexually hopless shmuck!”

Tumigil ako. Tumingala sa kanya.

“Rodney, ‘yan nga ang gusto kong gawin ko sa’yo. Pahirapan kita.”

Tapos muli akong bumalik sa kanya. Mas hayok na sa pagkakataong ito.



--------------------------------------------------------------------------------------------



Ngayon alam ko na kung ano ang lasa ng penile tissue.

Ngayon alam ko na ang pakiramdam na humawak ng penile tissue na hindi akin.

Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng may ibang lalaki na humahawak ng aking penile tissue.

Ngayon alam ko na ang lasa ng areola ng lalaki.

Ngayon alam ko na na may iba pa palang penile tissue na mas mahalaga pa kaysa doon sa akin.

Ngayon alam ko na kung papaanong mag-sixty-nine ang dalawang lalaki.

Ngayon alam ko na ang feeling ng sex kasama ang taong pinakamamahal mo.

Ngayon alam ko na ang feeling ng orgasm. At ang lasa ng orgasm.

Ngayon alam ko na ang feeling ng sumigaw ng, “shet! Rodney! Heto na ako! I love you!”

Ngayon alam ko na ang feeling ng marinig si Rodney na sumisigaw ng, “heto na rin ako! I love you, Jayjay!”



Ngayon alam ko nang hindi ako straight. Pero wala akong pinagsisisihan.

Dahil ngayon, alam ko. Masaya ako.

Ngayon.
0

THE LIGHTNING TRAIN COMMUTERS BAND (CHAPTER 44)


By: Hallur


CHAPTER 44: GAZE AT YOUR EYES (Lightning Train Commuters)


“Papu, tingnan mo ‘yon,” ngumuso si Rodney sa harap ng dining hall.

Sa gitna ng aking paglamon sa buffet food, nilingon ko ang tinuturo niya.

May piano at mikropono. May mini-sound system din.

“Ganda ng Grand Piano. Digital. Yamaha. Astig!” bulalas ko sa nakita ko, “pangarap ko makahawak ng ganyan.”

Ngumisi siya sa akin, “gusto mo?”

Nagsalubong ang kilay ko, “huh? Pa’no?”

Tumawag si Rodney ng waiter at binulungan niya ito.

Tumango ang waiter. Tapos nilahad ang kamay patungo sa stage.

Tumayo siya, “lika Jay, nagpaalam na ako.”

“Hala! Nakakahiya!” protesta ko, “ano ka ba naman Rodney, ang kapal talaga ng mukha mo!”

“Dali na,” hinatak niya ako patayo, “pagkakataon mo na ‘to na makatugtog sa ganyan! Sulitin na natin!”



Wala akong nagawa kundi sundan si Rodney habang patungo sa stage. Nang makarating kami doon, pinaupo niya ako sa harapan ng piano.

Nagtitinginan sa amin ang mga mayayamang hotel guests na kumakain sa dining area.

“Wow…” manghang-mangha ako sa LCD screen at mga button na nakikita ko. Full length ang piano.

Sinaksaksak ko ang plug at pinindot ang power button. Muli na naman akong napanganga nang makita ako ang iba’t ibang kulay na nabuhay sa panel ng organ.

Nagulat na lang ako nang biglang magsalita si Rodney sa mikropono.

“Good evening, I am Rodney and this is my friend, the sexy loverboy, Jayjay. We are the members of the upcoming band Lightning Train Commuters, and we would like to offer you a short song number to delight you while you devour your sumptuous meals.”

Nanlaki ang mata ko habang napalingon ako sa kanya.

Sinenyasan niya ako na magpatugtog.

“Ano’ng patutugtugin ko, gago ka?!” nagpa-panic kong tanong.

Tumango siya, “basta kahit anong sipra natin sa banda.”

Bahala na si Batman.

Pumindot ako ng tiklado. Nagpatugtog ng intro. Nakilala ni Rodney ang kanta.



If I give up on you… I give up on me… If we find what’s true… Will we ever be…? Even God Himself… With whose faith I knew… Shouldn’t hold me back… Shouldn’t keep me from you… Tease me… By holding out your head… And leave me… Or take me as I am… And live our lives… Stigmatized… I believe in you… Even if no one understands… I believe in you… And I don’t really give a damn…



Mukha namang natuwa ang mga tao sa aming ginagawa. Nakatingin na silang lahat sa stage at nakikinig sa amin.

At ako, damang dama ko ang pagtugtog dahil magandang instrumento ang ginagamit ko at maganda ang labas ng tunog at acoustics ng lugar.

Sa buong kanta, panakaw nakaw kami ng tingin ni Rodney sa isa’t-isa.

Pagkatapos ng awitin ay pinalakpakan kami ng mga tao.

Muling nagsalita si Rodney sa mic. “Thank you, very much and good n----”

“More!”

“Isa pa!”

“Gwapo niyo!”

“More, more!”

Na-overwhelm ako sa response ng audience.

Nagtinginan kami ni Rodney. Ngumiti. Alam na.



Was it you who spoke the words that things would happen but not to me… Oh things are gonna happen naturally… And taking your advice I'm looking on the bright side… And balancing the whole thing… But often times those words get tangled up in lines… And the bright lights turn to night… Until the dawn it brings… A little bird who'll sing about the magic that was you and me…

Cause you and I both loved… What you and I spoke of… What you and I spoke of… Others only dream of the love that I love…



Muli kaming pinalakpakan nang matapos ang ikalawang kanta.

Pinakanta kami ulit ng ikatlong kanta.

Ng pang-apat. Pang-lima.

Nagulat kami ng may pinadalang isang maliit na papel na may nakaipit na limang daan and waiter sa amin.

Nagtatakang binuksan ni Rodney ang papel na inabot sa kanya. “Is this a request? I’ll read it. Request ni Mark. Love Will Keep Us Alive.” Tapos lumingon siya sa akin, “kaya mo?”

Nag-thumbs up ako.

I was standing all alone against the world outside… You were searching for a place to hide… Lost and lonely, now you’ve given me a will to survive… When we’re hungry, love will keep us alive… I would die for you… Climb the highest mountain… Baby, there’s nothing I wouldn’t do…



At nagdatingan ang mga request pagkatapos no’n.

Binasa lang ni Rodney ang mga dumating na tissue paper. At may mga pera talagang nakalakip.

“This one is a request by Jack, for his loved one. The title of the song is ‘Died in Your Arms Tonight.’”

Oh, I just died in your arms tonight… It must've been something you said… I just died in your arms tonight… Whoa, whoa… Oh, I just died in your arms tonight… It must've been some kind of kiss…
I should've walked away, I should've walked away, I should've walked away…



“Our next request is from alias Ms. Revolver, ‘Put Your Arms Around Me,’ by Texas.”

Ooh ooh so put your arms around me… You let me believe that you´re someone else… Ooh ooh cause only time can take you… So let me believe… That I´m someone else…



“May request ulit! And wow! Twenty dollars ang tip! Thank you. We will try our best to render this song. There’s a dedication. ‘This is song for you, Rocky, I love you…’ The song is… Your Eyes by Cook da Books…”

When you smile your eyes show your heart… Lost inside a soul torn apart… Feeling alone with people around… True love´s so hard to find now… You think you are so misunderstood… I would explain if only I could… Smth tells me this time it is real… The way that I feel…



Potaragis na mga kanta ‘yan. Ang kekeso! Kaya walang ginawa si Rodney kung ‘di magnakaw ng tingin at kindat sa akin.

Natatawa din ako dahil parang nag-gig na kami sa hotel. Enjoy naman ng lahat, tapos kumikita pa kami. Nagamit ko pa ang astigin na piano na iyon.

Hindi nagtagal naubos na rin ang request.

Bigla akong may naisip na kagaguhan.



Hiningi ko kay Rodney ang mikropono. Nagsalita ako.

“Mag-e-end na ang buffet hours, so last song na po siguro kami…Marami pong salamat sa pagpapaunlak niyo pos a amin. For the next song, I will render one of the recently written singles by our band, Lightning Train Commuters…”

Maging si Rodney ay nagulat sa tinuran ko.

Ang mga tao naman ay mukhang eager makinig.

Inayos ni Rodney ang mic stand at tinapat sa bibig ko ang mikropono. Kinakabahan ako.

“The title of the song is, ‘Gaze at Your Eyes…’ I wrote this song for the love of my life.”

Gulat na napatingin sa akin si Rodney habang nakaupo na sa singer’s stool.

“Minsan makakahanap tayo ng taong magmamahal sa atin ng walang kaabog-abog. Walang tanong-tanong. I imagine na siya ang kumakanta ng kantang ito sa’kin…”

Palakpakan ang mga audience.

Walang intro. Sabay pasok ang boses at piano.

Inisip ko ang pag-ibig ni Rodney. Ang walang kapantay niyang pagmamahal.



Listen to the whole song here.



I see your eyes, they’re empty…
It’s been a while since you’ve been happy…
When did you learn to put yourself at the back of the line…

Well, here I am… I’m glad to meet you…
Pulled by unusual force, I’m bound to free you…
From the sadness you took and you kept and that held you for the longest time…

Won’t you stay for one more night…

Let me gaze at your eyes…
See the hurt that’s inside and…
Take them away from you…
I wanna teach you to fly…
Tell me when was the last time…
Someone took care of you…
It’s about time you do… Let me love you…




Sumilip ako sa lugar na kinauupuan ni Rodney.

Nakangiti siya. Namumula. Para siyang tanga.

Kinukusot niya ang mata niya.

Alam ko, inihandog ko na sa kanya ang pinakamagandang regalo na kaya kong ibigay.

Ang kantang ito.

At ang puso ko.



--------------------------------------------------------------------------------------------



Nasa garden kami sa labas ng hotel. Lumabas kami pagkatapos ng konsiyerto.

Kaming dalawa lang ang nandoon na tumatambay sa gitna ng lamig.

Wala pa kaming mga dalang jacket.

Naka-akbay sa akin si Rodney.

Gabi na. Puno ng bituin ang langit.



Biglang umiyak si Rodney.

“Hoy. Ano’ng drama ‘yan?” tanong ko.

“Ngayon lang ako nagmahal ng ganito. Ngayon lang ako minahal ng ganito…” humihikbi niyang sagot, “salamat Jayjay.”

Pinunasan ko ang luha niya. Nasasaktan ako dahil ayoko siyang makitang ganoon.

Natatakot ako baka dahil sa ilang pangyayari na darating lagi kaming umiyak ni Rodney.

“Tandaan mo, mahal na mahal kita,” sambit ko, “ang mahalaga ay ang pagkakataong ito magkasama tayo ngayon. Rodney… Nakabuhol na ang buhay ko sa buhay mo. At kahit saan tayo dalhin, alam ko hindi tayo magkakahiwalay…”

“Salamat Jayjay. I love you, Papu…”

“Love you too, Chino ko…”



Hindi ko namalayan.

May mga alitaptap na lumilipad sa paligid.

Maliliit na spark ng ilaw.

Hindi karamihan, pero lahat sila, lumapit sa amin.

Pumalibot. Lumilipad paikot-ikot.

Nakatitig lang kami ni Rodney. Mukhang tangang nakangiti sa kanila.



“Dumadating ang mga alitaptap sa mga bahagi ng buhay ko when I am most loved,” banggit ko.

“Hindi ako magdi-disagree sa theory mo na ‘yan,” natatawang tugon niya.



“Oras na, Jayjay. Time to relinquish my love.”

“Tangina Rodney. Mahalin mo ‘ko. Saktan mo ‘ko. Make me throb.”

“Your wish is my command, Coach.”



Kasabay ng pag-disperse ng mga alitaptap, ay ang pagkalaho naming mula sa lugar na iyon.
0

THE LIGHTNING TRAIN COMMUTERS BAND (CHAPTER 43)


By: Hallur


CHAPTER 43: BEAUTIFUL DAY (U2)


Ganito pala ang feeling na ‘yon. Kapag tinanggap mo na ang pag-ibig sa buhay mo.

Gano’n pala ang feeling kapag nakita mo ang ligaya ng isang tao kapag inamin mo na sa kanya na mahal mo siya. Maligaya ka rin.

Gano’n pala ang feeling kapag kayong dalawa lang ang magkasama. Parang burado ang lahat ng ibang tao at bagay sa mundong nilalakaran niyo.

Gano’n pala ang feeling ng may tawagan. Chino ko. Chino ko. Chino ko.

Gano’n pala ang feeling ng libog kapag sa nalilibugan ka sa mahal mo. Hayok pero inosente.

Gano’n pala ang feeling ng may ka-holding hands. Parang ayaw ko nang bumitaw.

Gano’n pala ang feeling ng inaakbayan ka ng partner mo. Pakiramdam ko protektado ako mula sa kahit na ano.

Gano’n pala ang feeling kapag humahalik ka sa mahal mo. Parang laging bitin. Haha.

Gano’n pala ang feeling kapag sinasabihan ka ng, “I love you, Papu.” Kilig amputa.

Gano’n pala ang feeling kapag nakatitig sa mukha ng taong mahal mo. Guwapong guwapo pa rin kahit balasubas kumain ng spaghetti at may tomato sauce pa sa labi.




“Nakatitig ka diyan,”pagbasag ni Rodney sa kawalan ko ng imik, “napopogian ka na naman sa akin? Kumain ka kaya.” Pinunasan niya ang bibig niya.

Sumubo na ulit ako ng spaghetti. Dinagdagan ko ng white sauce. Ang sarap. Fresh at organic.

“Sarap ng pagkain, ang ganda ng lugar. Ano na ngang pangalan nito, Chino ko?” tanong ko.

“Sonia’s Garden po, Papu,” sagot niya.

Ang daming halaman at mga iba’t ibang bulaklak. Maganda ang landscaping sa lugar na iyon.

“Mukhang mahal ‘ata dito, Rodney,” sambit ko, “ang ganda kasi ng ambience.”

“Today Jay, everything is on me,” paniniguro niya, “huwag kang mag-alala. Matagal kong pinag-ipunan ang first date natin. Kaya huwag mo munang paganahin ang cash register sa utak mo.”

“Thanks Rodney, makakabawi rin ako, pangako,” nakangiting pangako ko.

Napakagat labi ako. Parang hindi tama ang sinabi ko. Baka hindi ko rin naman matupad.



“One. Two. Three. Smile!”

Click. Flash.

Pagkatapos namin kumain, nilibot namin ang lugar. May dalang kamera si Rodney, at kumuha kami ng mga picture.

Kung anu-anong scenario. Kung anu-anong kagaguhang pose.

Minsan ako lang. Minsan siya lang.

Pero siyempre peyborit ko ‘yung pitsuran namin na kaming dalawa. Kahit mangawit kami sa kaka-extend ng kamay, kasi self-taken shots lang puwede.

Mga sariwa’t magagandang halaman at mga bulaklak, at dalawang taong nagmamahalan. Iyon na yata ang pinakamagandang konsepto ng photography.



Nakahanap kami ng isang masukal at tagong lugar na puno ng bulaklak.

Tumingin si Rodney sa paligid. Walang tao.

Isinukbit niya ang camera, tapos nilabas niya ang brown bag na may lamang turon na hindi namin nakain agad kaya pinabalot na lang. Binuksan niya iyon.

“Oh, anong ginagawa mo?” pagtataka ko.

Kumuha siya ng isang putol ng turon. “Kanina ko pa ‘to gustong gawin. Madami kasing tao sa dining area. Oh, Papu, nganga ka.”

“Ah…” buka ko ng bibig ko. Tapos sinubo niya sa akin ang turon.

Nakangiti ako habang nginunguya ko ang turon.

Kumuha rin ako ng isang turon at isinubo kay Rodney. Nakangiting kinain niya ang turon.

“Love you Chino,” sambit ko nang malunok ko na.

“Love you Papu,” tugon niya, “sweet natin. Parang mag-asawa.”

Natawa ako.

Muli niyang kinuha ang camera gamit ang kamay na libre, nilahad ito sa harap namin, niyakag niya ako papalapit sa kanya, tumingin sa mukha ko, hinalikan ako sa labi.

Lumaban ako. Ngunit malamyos lang kami.

Click. Flash.

Tiningnan namin ang picture pagkatapos magkalas sa digital screen ng kamera.

“Our first documented kiss,” sabi ni Rodney.

“Ganyan pala hitsura natin kapag nagki-kiss. Okay na. Puwede nang gawing cover ng Valentines Day Card!” pabiro kong hirit.

Nagtawanan kami ng malakas.



--------------------------------------------------------------------------------------------



Ang sumunod na destinasyon: Picnic Grove.

Lakad lakad. Akbayan.

Palamig. Sweet nothings.

Puna sa mga nakikita.

Nag zip line kami nang magkatabing nakadapa.

Kumuha ng mga picture.

Umupo sa mga bench.

At gumawa ng mga metaphor habang namamasyal.



“Jayjay, ang pagibig ko sa’yo ay tulad ng lupang tinatayuan ng punong ito.”

“Huh? Ano na namang trip ‘yan?”

“I want our love to nourish you. Katulad ng ginawa ng lupa sa punong ito. I want our love to keep you stable. Gusto ang relasyon natin, pag-ibig ang maging pundasyon.”

“Oo naman, Rodney. Mahal na mahal kita.”



“Rodney, ang pag-ibig natin ay tulad ng hanging bridge na ito.”

“Wushu. Gaya gaya.”

“Tang-ina naman Chino, panira ka.”

“Haha, sige tuloy mo lang, Papu.”

“Kasing alog niyan ang naging buhay ko hanggang sa makarating ko ‘tong punto na ‘to na kasama kita. Pero alam mo, tulad ng tulay na ‘yan, pinunan mo ang malaking uwang ng buhay ko. Salamat. Mahal na mahal kita, Rodney.”

“I love you too, so much.”



“Rodney, ang pag-ibig sa’yo ay katulad ng malamig na hangin ng Tagaytay.”

“Hahaha. Aba Jay, nawili ka ‘ata.”

“Hayan ka na naman. Puwede kong ituloy?”

“Sige Papu, I’m listening.”

“Ang pag-ibig ko, tulad ng hangin, matagal nang nag-e-exist. Ako lang naman ‘tong deny ng deny. Pareho nating hindi nakikita. Minsan malakas. Minsan mahina. Walang direksyon. Pero bigla na lang tatama. Bigla na lang hahaplos sa mukha mo. Kahit noon pa man, maraming beses ko na rin sigurong naipakita sa’yo, hindi lang natin makita na ‘yon.”

“Weh. Hindi kaya. Ako matagal ko nang pansin na mahal mo ako.”

“Oo nga pala. You’re the one who knows me better.”

“Pero tama ka, Jay. You’re the wind. The air that sustains me.”



“Jayjay, ang pag-ibig ko ay parang pagpapalipad ng mga saranggola, katulad ng mga batang ‘yan.”

“Ay. Ayaw magpatalo.”

“Siyempre naman. Tutulungan kitang hanapin ang lugar mo sa himpapawid. Habang ikaw ay lumilipad, hindi kita pakakawalan. Hinding hindi talaga.”

“Paano kung mapatid ang tali?”

“Hahanapin ko kung saan ka tangayin ng hangin.”

“Paano kung ‘di mo na ‘ko makita?”

“Aakyat na lang ako sa bubong. Hihintayin kitang sumabit sa antenna ng bahay namin. Dahil sigurado ako, ibabalik ka ng hangin sa akin…”

Ngumiti ako. “Siguro nga.”



“Rodney, ang pag-ibig ko sa’yo ay ang sunset ng bulkan na ‘yan.”

“Dormant for a time, pero sasabog din naman.”

“Hindi.”

“Nasa loob ang kulo?”

“Chino. Ang kulit. Singit ng singit.”

“Sorry Papu. So, ano nang metaphor mo sa Taal Volcano?”

“Hindi ka nakikinig. Sunset nga ang pinag-uusapan, hindi ‘yung bulkan.”

“Ah, oo nga pala.”

“Minsan maaaring bumaba ang ako at mag-disappear sa ilalim ng horizon, pero hindi ako nawala talaga. Nasa kabilang side lang ako ng mundo mo. Sisikat rin ako kinabukasan. Sana sa kadilimang iiwan ko sa’yo, lagi mo pa rin akong isipin. At hintayin mo ang muling pagsikat ko.”

“Hala. Hindi ko makuha.”

Pilit na tinawanan ko lang siya. “‘Uy, hotdog vendor. Bili tayo.”



“Jayjay, para sa akin, ikaw ay katulad ng hotdog na ‘to.”

“Huh? Pati ba naman hotdog, pinatos mo? Bakit naman?”

Hindi sumagot si Rodney.

Bagkos ngumisi siya at tumingin sa akin ng malagkit.

Inangat niya ang hotdog na nakatuhog sa stick, and dahan dahang dinilaan ang ketcup sa dulo nito. Tapos unti-unti niyang sinubo ang unang parte. Sinipsip niya.

Tapos marahang kinagat, pero hindi tuluyang pinutol. Nilaro niya ang dila niya sa paligid ng parte sa loob ng bibig niya. Saka na niya tuluyang kinain ng maayos.

Hindi niya tinanggal ang malagkit niyang titig habang ginagawa niya iyon.

Putang ina. Ang sexy ni Rodney. Heads rush na naman.

“You’re like this hotdog Jayjay, gustong gusto kong namnamin.”

Napalunok ako. Hindi ko alam kung ano’ng isasagot.

Tinawanan niya ako. “Ang kulit mong akitin, Papu. We have lots of time for that later.”

Natawa na rin tuloy ako, “lagot ka talaga sa’kin mamaya.”



Inakbayan niya ako.

Pareho kaming may hawak na hotdog. Parang mga batang nanalo sa tumbang preso kung maglakad.

“Balik na tayo sa hotel, may free dinner buffet,” yaya ko.

“Oo nga. It has been a tiring day. A beautiful tiring day,” sambit ni Rodney.

“Best day of my life,” segunda ko.

“Love you, Papu…”

“Love you, Chino ko…”



Beautiful day. Ikatlong Sabado ng Agosto.
0

THE LIGHTNING TRAIN COMMUTERS BAND (CHAPTER 42)


By: Hallur


CHAPTER 42: PASSENGER’S SEAT (Stephen Speaks)


I look at her and start to smile… As we go driving for a while…
Her hair blowing in the open window of my car and…


Si Rodney sa driver’s seat. Ako sa passenger’s seat.

Sumasabay pa kami sa kanta na pinapatugtog sa radyo ng kotse niya.



“Alam mo, Jayjay? Automatic ‘tong kotse na ‘to,” hirit ni Rodney.

“Oo, alam ko,” sagot ko sa kanya.

“‘Yung isang kamay ko nasa steering wheel, ‘yung isang kamay, libre.”

Tinaas niya ang libre niyang kamay na malapit sa akin.

Matagal bago ko napagtanto kung ano ang gusto niyang gawin ko.

Hinawakan ko ng kaliwang kamay ko ang kanang kamay niya. Nag-interlock ang aming mga daliri.

Mula sa dulo ng aking mga kuko, naramdaman ko ang isang streak ng kuryente ang dumaloy sa akin at naglakbay sa buong katawan ko. Head rush na naman. Mali. Heads rush pala. Hehehe.

“First time kong makipag-holding hands,” parang bata kong sabi.

Tumawa si Rodney, “congratulations.”

“Yabang, porke ikaw ang dami mo nang nalokong i-holding hands.”

Pinisil pisil niya ang kamay ko. “Pero heto lang ang tanging kamay na maganda ang fit sa akin. Mahaba kasi daliri mo. Tiklador talaga. Hindi ko bibitawan ang kamay mo, hinding hindi.”

Pumisil din ako pabalik. Tapos nginitian ko siya.



“Nag-almusal ka ba? Kasi ako hindi,” tanong ni Rodney.

“Hindi pa. Masyado kasi ako na-excite na sagutin ka na,” natatawa kong sabi, “kaya pagkagising ko, ligo agad tapos punta na ako.”

“Sige, daan tayong Starbucks. Bili kitang banana cake at papuchino,” aniya sabay hagikhik.

“Talagang ira-rub mo talaga sa mukha ko ‘yang simpleng pagkakamali ko na ‘yan?” asar-talo kong turan.

Pilyong ngumiti siya sa akin, “oo! Papuchino!”

“Gago,” banas kong sambit, “tumingin ka sa kalsada. Baka mabangga tayo.”

“AHA! May naisip ako!” bulalas niya.

“Tangina Rodney! Nakakagulat ka naman, eh!” protesta ko.

“Term of endearment!”

“Ano ‘yun?”

“Tawagan ng mag-on. Babe. Honey. Sweetheart.”

“Ah. Kelangan pa ba natin no’n?”

“Oo naman! Para sweet! Kapag tayong dalawa lang nag-uusap.”

“Ano’ng naisip mo?”

“Papuchino! Ikaw si Papu, ako si Chino.”

“Ang baho.”

“Pero cute. At meaningful pa.”

“Bahala ka nga.”

“Love you Papu…” bati niya sa akin. Naka-smile at nagniningning pa ang mga mata.

Bumuntong hininga ako, “love you chino…”

Tama. Mas nakakakilig nga.



Nagpalit ng kanta ang car stereo. Nakisabay si Rodney sa kanta.

And I’ve got all that I need… Right here in the passenger seat… And I can’t keep my eyes on the road… Knowing that she’s inches from me…



--------------------------------------------------------------------------------------------



“Overnight ba ‘to, Jay? Gusto mo ba ‘yon?” tanong ni Rodney sa akin pagbalik namin ng kotse pagkatapos magkape. Nakangisi siya.

“Ah, oo naman. Para masaya,” excited kong tugon.

“Sige, hotel tayo, sagot ko. Punta tayo sa isang hotel. Check in tayo.”

“Sigurado ka? Mahal ‘yun ‘di ba?”

“Oo naman,” mariin niyang sagot, “hindi pang lodging inn ang halaga mo sa akin. I want us to enjoy our first night together. Gusto ko sobrang espesyal.”

“So, wala ka pang hinohotel dati?”

“Wala pa.”

“Kahit si Apple?”

“Oo. At Jayjay, huwag mong ikumpara ang sarili mo kay Apple at sa ibang naging nakaraan ko. Milya milya ang layo ng love ko sa’yo kung ikukumpara sa mga dati ko,” eksplika niya.

Napangiti ako ng pagkatamis-tamis. “Thanks. Love you, Chino.”

“Love you too, Papu.”

Saglit kaming naghalikan bago niya muling pinaandar ang kotse.



--------------------------------------------------------------------------------------------



Pagkatapos mag-check-in, nag-request ako kay Rodney na tumungo sa simbahan.

Hindi ko na naaalala kung gaano ako katagal nakaluhod sa harap ng altar. Basta alam kong sobrang tagal kong nagdadasal.

Alam kong sumasaglit-saglit ng tingin sa akin si Rodney na nakaluhod sa tabi ko.



Lord, pasensya na kung ito ang una pagkatapos ng napakatagal na panahong kinausap kita.

Alam kong hindi excuse ‘yon, pero alam Mo naman ang pinagdaanan ko sa buhay. Ngayon pa lang ako nagsisimulang bumawi.

Lord, sorry po kung naging marahas ako sa mga tao sa paligid ko.

Lord, sorry po kung nasasaktan Kita dahil sa mga ginagawa ko. Sa mga taong niloko at ginamit ko para sa pansarili kong gratification.

Lord, sorry po kung minsan hindi ko po naa-appreciate ang ganda ng mundong binigay niyo sa akin.

Lord, sorry po kung hindi ko napapakita na mahal Kita.

Pero Lord, salamat at binigyan Mo ako ng buhay, ng biyaya na nakakapag raos sa akin araw araw.

Salamat po, dahil mahal Niyo po ako. At inaalagaan niyo si Mama at Junjun diyan sa taas.

Salamat po, at sa wakas matutupad na ng banda an gaming mga pangarap.

Salamat po, at binigyan niyo po ako ng heaven sa lupa, sa katauhan ni Rodney.

Mahal na mahal ko po siya.

Wala na po akong mahihiling pa… Pero alam ko pong mali sa paningin ng tao ang aming pagmamahalan.

Lord, bawal ba talaga kaming mag-ibigan?

Sana po maintindihan Niyo po kami.

Pero Lord, napakalaking mga pagsubok ang aming pagdadaanan namin.

Isang matinding pagsubok Lord. Haaaay.

Kung ano man ang ending Lord, tatanggapin ko.

Give me peace in my mind and my heart, Lord. Thanks Lord at I love You.




“Tagal ng chat niyo ni Papa God, ah,” tanong sa akin ni Rodney habang nag-iilaw kami ng mga kandila.

“Na-miss namin isa’t isa, dalawang taon kaming hindi nakapag-usap,” nakangiti kong sabi ko sa kanya, “saka siyempre, pinagdasal ko tayo.”

“Talaga? Oh, ano’ng sabi?” pabirong niyang hirit.

Tumawa ako. “Rodney, kapag sinagot ko na may naranig nga akong sagot baka sabihin mo schizophrenic ako.”

“Nasa bibliya ang sagot Niya, Papu,” seryoso niyang sagot.

Nagsalubong ang kilay ko.

“Bawal ‘tong atin, basahin mo ang Letters of St. Paul to the Romans,” pagpapatuloy niya.

Kinilabutan ako.

Ngumiti sa akin si Rodney, “but I don’t believe in people quoting God. God is an existential experience. Parang pag-ibig. At sa pagkakakilala ko kay God, as long as our love is pure, we are on the right track.”

Tumango ako, “at ramdam ko naman na kahit manyak tayo, alam kong kung ano man ‘tong nararamdaman namin, it’s pure and innocent.”



“Puta, ingles na tayo ng ingles,” buska ni Rodney, “napadami ‘ata basa natin ng dictionary.”

“Oo nga eh, ganyan siguro ‘pag in lab Chino ko,” pa-cute kong sagot.

Nagkibit-balikat siya. “Yihhiii! Bigay na bigay na ang Papu ko! Nakakakilig!”

Binatukan ko siya, “siraulo.”



Sinubukan kong kunin ang kamay niya para hawakan.

Nakita niya ito. Iniwas niya kamay niya.

Ngumiti siya sa akin, “I find it sweet na gusto mong hawakan ang kamay ko, pero hindi tayo puwede mag-holding hands in public.”

Napakamot ako sa ulo. “Oo nga. Nawala sa loob ko… Sorry.”

“Rule number three…” umakbay siya sa atin, “ganito mag-holding hands ang dalawang lalaki in public. Akbay.”

Ang sarap talaga ng init ng katawan ni Rodney na malapit sa akin.

Napatango ako, sabay pilyong ngiti, “interasante. Mas gusto ko ‘ata ‘to.”

“Tang-ina Jay. Ang landi mo.”

“Gago.”
8

THE LIGHTNING TRAIN COMMUTERS BAND (CHAPTER 41)


By: Hallur


CHAPTER 41: KISS ME (Sixpence None the Richer)


Hindi ko namalayan. Nasa bisig na pala ako ni Rodney. Napakahigpit ng yakap niya. Hindi na ako makagalaw. Hindi ako makawala. Sa bagay, wala pa naman akong balak kumawala.

“Best day of my life!” sigaw ni Rodney, “shit! Jayjay! Ang saya!”

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Niyakag ko din siya ng mahigpit. Ang sarap ng pakiramdam ng katawan niya na nakadikit sa akin.

“Masaya din ako Rodney…”

Halos mamanhid na ang pakiramdam ko dahil sa kuryenteng umiikot sa buong katawan ko. Hindi ko mahabol ang hininga at bilis ng tibok ng puso ko.

Nakaka-overwhelm. Hindi ko ma-control. Pero ang sarap. Ang sarap sarap.

Nagkalas kami sandali. Hinawakan niya ang mukha ko. Tinitigan niya ako ng malagkit.

Nagngitian kami.

“Tang-ina Rodney, ang guwapo mo,” hindi ko napigilang ihirit.

Ngumisi siya, “hindi mo na matiis ‘no? Bumigay ka rin!”

Tumawa ako, “oo, at dahil matagal kong pinigil ‘to, humanda ka.”

“Whatever it is, I’ll handle it,” tugon niya.



Song na pampagana. =)


Tahimik na titigan.

Tumingin si Rodney sa kanan. Tapos sa kaliwa. Tapos sa akin.

Sinipat ko rin ang paligid. Walang tao.

Bumuntong hininga siya, “gusto mong mahalin kita no holds barred, tama?”

Tumango ako habang ang mga palad niya ay nasa mukha ko pa.

“Can I kiss you?”

“Kanina ko pa ‘yan hinihintay.”

Unti-unti niyang nilapit sa akin. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Limang segundo.

Tinaas ko ang braso ko at nilagay ang kamay ko sa likod ng batok niya.

Napamuglat siya nang bigla kong hinatak ang mukha niya papalapit sa akin.

Hinalikan ko siya.

Tang-inang pakiramdam ‘yan. Tang-inang sarap. Tang-inang saya. Tang-ina!

Nakipaglabanan siya ng halik sa akin. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Anim. Pito. Walo. Siyam. Sampu.



Nagkalas kami sandali.

“Puta, ang tagal mo kasi, hindi na kita mahintay,” pabiro kong sabi.

“Tang-ina Jay, isa pa.”

Labi sa labi. Dila sa dila. Laway sa laway. Hininga sa hininga.

Dalawang lalaking makisig na naghahalikan. Mali, pero astig. Sobra.

Kalas ulit sandali.

“Shit. Rodney. Shit!”

“Tang-ina, Jay. Sarap?”

"Sarap. Isa pa.”



Naghalikan kami ulit.

Kalas ulit sandali.

“So, ganito pala humalik ang playboy na si Jayjay Alejandro?”

“Haha, mukhang impressed ka.”

Tumawa siya, “hindi masyado. Parang babae lang hinahalikan mo. Malumanay. Parang hindi mo pa alam kung paano humalik sa lalaki. Masyado ka pang mapagbigay.”

“Talaga? Parang iba sinasabi ni junior mo.”

“Haha, si junior mo rin kaya. Seems you finally acknowledged the raging sexual tension between us.”

Dinikit ko ang aking crotch sa crotch niya. Nginisihan ko siya.



Napaigtad siya. “Shit Jay, sa’n mo natutunan mang-akit nang ganyan?”

“Tang-ina Jay, hindi ko alam. Pero sa’yo ko lang gagawin ‘to. Sa’yo ko lang magagawa ‘to.”

“Ako din. Buti nagmumog ako. Kiss mo ‘ko ulit.”

Hinalikan ko siya. Mas mapusok. Mas matagal. Mas maraming laway ang naglakbay mula sa isang bibig patungo sa isa pa.

Nagkalas na kami ng tuluyan.

“Shit Rodney, sarap ng lips mo.”

“Ikaw rin. I can do that forever.”

“Ako din. Pero mag-date muna tayo. Alam mo namang first time ko makipag-commit. Hindi ko pa nararanasang makipag-date kasama ng isang syota.”



Humalakhak si Rodney, “halata ngang first timer ka sa ganito. First lesson mo. You don’t call me your syota. Hindi rin puwedeng boyfriend dahil baka may makirinig sa’yo. You call me your ‘partner.’”

Tumango-tango ako, “ahhh… Okay. ‘Yun pala ‘yun. Hello partner.”

“Ang cute mo talaga Jayjay. Napaka-inosente pero hayok naman.”

“Gago.”



“Sige bihis na ako,” ani Rodney, “dito ka na sa living area maghintay sa akin.”

Tumalikod at akmang babalik na siya papasok sa bahay nila nang bigla kong hinawakan ang braso niya para pigilan siya.

Napatigil siya at humarap sa akin.

“Rodney…” nerbyoso kong panimula.

“Hmm?”

“I--- I---” nauutal ako. Tapos kasama ng isang mabigat ng paghinga, nasabi ko na rin.

“I love you… Mahal na mahal kita Rodney.”



Hindi sumagot si Rodney bagkos ngumiti lang siya sa akin.

“Mahal na mahal kita Rodney. Sobrang mahal na mahal. Tangina. Mahal kita. Puta para akong gago.”

Naiyak ako. Para kasi akong nabunutan ng tinik sa dibdib ko.

“MAHAL KITA!” sumigaw ako.

Ito ang unang beses kong mahulog ng ganito sa isang tao.

Siguro, dahil sa panic niya na may makarinig, siniil niya ang labi ko ng isang panandaliang halik.



Kumalas siya ng halik. Tumitig sa mukha ko at pinunasan ng hinlalaki niya ang mga luha ko.

“I love you too, Jayjay.”

“Sarap pala ma-inlove,” parang nananaginip kong sambit.

“Lalo na kung mahal ka rin ng mahal mo,” dugtong niya, “tulad mo magaan na rin ang loob ko.”

“Oh siya. Maligo ka na Rodney, mahal ko,” sabi ko sabay kindat, “alam ko namang gusto ko ang bango kesyo maligo ka o hindi, kaso mahaba-habang araw ‘to para sa’tin. Kailangan presko ka.”

“Yes coach,” tapos ngumisi siya, “parang gusto mo ‘atang sumama sa banyo.”

Pabiro ko siyang sinapak sa dibdib, “gago. Mahuli pa tayo ng mga kasambahay mo diyan.”

Tumawa lang siya habang tumatalikod para pumasok.

Napansin ko, ang ganda pala ng likuran ng mokong na ‘to. Nakakaakit ang hugis ng bottom. Pinigilan ko ang kamay ko. Medyo nasosobrahan na rin ako ng kamanyakan sa huling labing limang minuto.



Habang hinihintay ko matapos mag-ayos si Rodney, tumatalon talon ako sa kalye sa harapan ng bahay nila. Nagpapatanggal ng kuryenteng hindi ko makontrol. Mukhang hindi ko matatagalan na nakaupo lang sa sofa nila.

Masyadong maraming ATP ang dumadaloy sa katawan ko. Agos ng agos ang endorphins sa dugo ko. Head rush, sa parehong heads.

Oo na. Mukha na ‘kong engot. First time, eh!



Matapos ang dalawampung minuto, lumabas na si Rodney at tumabi na sa akin.

“Kabilis naman. Baka hindi ka naman nakuskos,” puna ko.

Inamoy ni Rodney ang sarili niya, “bakit? Malinis naman na ‘ko, ah! Gusto mo bumalik ako ulit?”

Hinatak ko ang braso niya, “‘wag na. Okay naman na. Poging pogi pa nga ang porma mo, eh.”

Nakasuot siya ng fitted na polo at hapit na jeans. Sapatos na ngayon ko pa lang nakita, mukhang bago. Kahit basa basa pa ang buhok, nakaayos naman. Ang slave tag, nasa kanang braso niya. Tapos may backpack na nakasukbit sa kanang balikat.



Tumingin ulit sa paligid si Rodney. Walang tao. “Na-miss ko agad. Kiss kita ulit.”

“Pucha naman nagpapaalam ka pa.”

Naglapat muli ang aming mga labi para sa isa muling nerve-wrecking na halik.



“So, saan tayo coach? Ang aga pa, ah, ” aniya nang magkalas kami.

“Bibiyahe pa kasi tayo,” tugon ko.

“Mag-kotse na tayo. Ako magda-drive as usual. Puslit ko muna kotse ni kuya.”

“Pasaway.”

“Saan ba tayo?”

“Sa Tagaytay.”
1

THE LIGHTNING TRAIN COMMUTERS BAND (CHAPTER 40)


By: Hallur


CHAPTER 40: EVERYTHING YOU WANT (Vertical Horizon)


He’s everything you want… He’s everything you need… He’s everything inside of you that you wish you could be… He says all the right things… At exactly the right time… But he means nothing to you and you don’t know why…

Nag-eensayo kami ng banda. Magaling na si Rodney. Bumalik na naman ang boses at sigla niya.

Nakaharap siya sa aming nagpapatugtog ng instrumento habang kumakanta.

Sa gitna ng aking pagtipa, napansin kong nakatitig siya sa akin habang umaawit.

Oo na, Rodney… Alam ko na kung bakit mo nirekomenda ang kantang ‘to na i-cover natin. Gusto mo na naman akong patamaan.

Nilalayo ko ang tingin ko sa kanya. Kasi alam kong pag nagtama na naman ang mata namin, matagal na naman bago ako makabitaw.

Ang lyrics ng kanta, sapul na sapul sa akin. Lalo na nang inulit niya sa huling beses ang chorus na napalitan na ang mga panghalip sa kanta.

I’m everything you want… I’m everything you need… I’m everything inside of you that you wish you could be… I say all the right things… At exactly the right time… But I mean nothing to you and I don’t know why…



--------------------------------------------------------------------------------------------



“Para sa’yo.”

Tinanggap ni Rodney ang isang pakete ng Goya ng Knick Knacks na binili ko sa grocery kanina bago tumungo ng ensayo.

“Salamat. Para saan ‘to?”

“Wala lang. Naisip lang kitang bigyan.”

“Bakit?”

“Trip lang kitang bigyan.”

“Tayo na ba?”

“Inom ka ng maraming tubig pagkatapos mong kainin ‘yan, para ‘di masira ang boses mo.”

Tumuloy lang kaming maglakad papuntang LRT.



--------------------------------------------------------------------------------------------



>>> DOROTEO JOSE

“Pinapawisan ka Rodney. Sa susunod mag bimpo ka sa likod para hindi ka nagkakasakit at hindi masira ang boses mo,” sabi ko habang hinahawakan ang likod niya. “Amina panyo mo.”

“Nalaglag ang panyo ko sa opisina kanina. Hindi ko na nakita.” Sagot niya.

Kinuha ko ang panyo mula sa bulsa ko. Nilahad ko iyon at pinagpag ng kaunti. Sinuot ko ang kamay ko sa likod sa loob ng polo niya. Nilagay ko ang panyo sa taas na parte ng malapad niyang likuran.

Buti na lang nasa platform pa lang kami ng station.

“Tayo na ba?” lumilingong tanong niya ulit habang inaayos ko ang sapin niya sa likod.

“Huwag kang malikot, baka malaglag,” tugon ko, “hayan na ‘yung tren.”



>>> BAMBANG

“Tayo na ba?” pabulong niyang tanong habang nakatayo kami sa gitna ng coach.

“Alam mo ba? Tumawag sa akin si Mayor nu’ng isang araw,” pag-iiba ko ng usapan, “inaaya ako sa Ilocos maging Senior Medtech sa bagong ospital. Tapos nag-o-offer pa na matutulungan niya daw akong makapag-work abroad. Pinag-iisipan ko kung tatanggapin ko.”

Nalukot ang mukha niya, “gusto mo bang tanggapin?”

Tinitigan ko ang lumungkot niyang ekspresyon dahil sa sinabi ko. Hindi ko talaga siya matiis.

Umiling ako, “hindi Rodney. Hindi ko kukunin. Hindi ko iiwan ang banda.”

Ngumiti siya ng pagka-tamis-tamis.



>>> BLUMENTRITT

“Tayo na ba?” tanong niya ulit.

Wala na akong takas ngayon. Wala na akong maisip na pasakalye para iwasan pa ang tanong. Katahimikan lang ang nasagot ko.

“Ano ba’ng dahilan? Bakit ayaw mo?”

“Rodney, alam kong meron akong nararamdaman pero hindi ko sigurado.”

“Sa pinapakita mo Jayjay, sa mga ikinikilos mo, parang sigurado ka naman na.”

“Ayun naman pala, eh,” sarkastiko kong sabi. “Bakit hindi mo na lang ako basahin katulad ng lagi mong ginagawa?”

Mariin niya akong tiningnan, “Jayjay, ang love walang bisa kung hindi mo rin aaminin sa sarili mo.”

“Intindihin mo naman… Bago sa’kin ‘to. Bago ang lahat. Alam mong kahit kalian hindi pa ako nakikipag-relasyon. Kahit sa babae. Tapos heto pang papasukin ko, socially unacceptable kasi pareho tayong lalaki. Isa isa lang Rodney… Isa isa lang.”

Bumuntong hininga siya, “sabagay Jayjay. Sabagay. May punto ka.”



>>> ABAD SANTOS

Pagkatapos no’n natahimik kami. Nakatungo lang.

Marahan kong pinapadyak ang aking mga paa.

Nagha-hum naman si Rodney. Ang kanta: I Need Love.

Pero nakaw kami ng nakaw ng sulyap sa isa’t-isa.

May isang beses na nagkatugma ang pagnakaw namin ng tingin, nagtama ang mga mata namin.

Tumawa siya. “Para tayong tanga. Pero cute.”

Napatawa na rin ako.



>>> R. PAPA

Nilapit ni Rodney ang bibig niya sa kanang tainga ko.

I love you, Jay.

Napitlag ang hininga ko. Nanlambot ang aking dibdib at tuhod.

“Sana pagbigyan mo ako, Jay. Subukan mo lang. Subukan mo. Pangako ko. Hindi mo pagsisisihan na makipag-commit sa akin. I love you so much, Jay.”

“I…” Bumuka lang ang bibig ko. Pero wala nang lumabas na salita.



>>> 5TH AVENUE

Nag-ayos na si Rodney para sa paglabas, “byebye Jayjay. See you soon. Happy weekend.”

Tumango ako, “yeah. See you soon.”

Tapos naglakad na siya palabas.

Bago bumaba ng train, lumingon siya. Nginitian niya ako.

Nang mag-warning buzzer, tumuloy na siya sa platform.

Napahakbang ako papaharap. Parang gusto ko siyang habulin. Pero umandar na ang tren.



Rodney naman. Sana nag-stay ka pa ng isa pang stasyon. Bibigay na ko dapat, eh.

May bukas pa naman.

Hindi pa naman huli ang lahat. Sana.



--------------------------------------------------------------------------------------------



“Hello? Jayjay ano’ng meron? Napatawag ka ng maaga?”

“Rodney. Nandito ako sa harap ng bahay niyo. Labas ka.”

“Huh?! Alas kuwatro pa lang, huh?!”

“Basta, kitain mo ‘ko dito.”

“Sandali. Magmumog lang ako.

“Sige, hintayin kita dito. Dalian mo.”

Call ended.



Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang bulto ni Rodney.

Naka-sando at boxers. Magulo ang buhok.

Pero makisig na makisig pa rin ang dating.

Sa wakas, inamin ko na rin sa sarili ko na kinikilig talaga ako sa kanyang presensya.

Napangiti ako ng makita ko ang aking tagapagtanggol.



Nagkamot siya ng ulo, “grabe naman Jayjay. Ang aga. Kung ‘di lang kita mahal, ay binasa na kita ng isang timbang tubig dahil ginising mo ako ng walang pakundangan.”

Tumawa ako, “ang swerte ko pala talaga dahil mahal mo ‘ko. Kundi basa na ko. Nakaporma pa naman ako ngayon.”

Nagwisik ng mata si Rodney, tapos mariing tumingin sa akin, “aba! Oo nga ‘no? Kailan ka pa natutong magsuot ng semi-fit na polo at jeans? Ano’ng meron? At bakit ka napahangos dito?”



Tinaas ko ang kanang kamay ko. Tinuro ko ng kaliwang hintuturo ko ang itim na baller ID na nakasuot sa kanan kong braso.

“Nakikilala mo ‘to?”

Nakatitig lang si Rodney sa baller ID. “Slave tag?”

Tinanggal ko ang itim na bracelet at inabot ko sa kanya. Tinanggap niya ito at sinuot sa kanang braso.

“Naaalala mo ‘yung sinabi sa akin kung ano ang mangyayari kapag binalik ko sa’yo ‘yang slave tag?” nakangisi kong tanong sa kanya.

“Magiging alipin mo ako sa loob ng isang araw. Gagawin ko ang lahat ng sasabihin mo,” seryoso niyang tugon.

Tumango ako, “mismo.”



Ngumiti si Rodney, parang na-excite.

Dineretso niya ang tayo niya. Tapos sumaludo siya.

“Rodney Kaiser dela Torre reporting for duty sir! Ano pong ipapagawa niyo sa’kin, Coach?”



Tinitigan ko siya. Matagal.

Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti.

Heto na ang pagkakataong matagal naming hinintay. Ang pagkakataong matagal ko nang pinipigil noon pa man.



“Mr. dela Torre, I want you to be my--- boyfriend.”



Napamuglat siya sa sinabi ko.

Hindi siya nakaimik agad.



“Gusto kong mahalin mo ko Rodney, at lubusan kong tanggapin ang pag-ibig mong ‘yon,” sambit ko na nangingig pa ang boses ko, “no holds barred…
2

THE LIGHTNING TRAIN COMMUTERS BAND (CHAPTER 39)


By: Hallur


CHAPTER 39: HEALING (Deniece Williams)


>>> BACLARAN

Pauwi na ako galing clinic. Patungo ako sa ensayo ng banda sa Recto.

Nagtataka ako, wala pang text si Rodney ng hapong iyon. Nitong huling mga ensayo kasi, lagi kaming nagkikita sa Pedro Gil station para sabay kaming tumungo sa studio.

Kinuha ko ang cellphone ko. Magte-text na sana ako sa kanya nang may biglang tumawag. Hindi kilalang number. Sinagot ko.

“Hello? Sino ho sila?”

“Jeremy, ako ‘to.”

Kilala ko ang boses na iyon. Galit at takot ang namayani sa akin ng marinig ko iyon.

“Mayor Alejandro.”

“Kumusta ka na?”

“Wala kang pakialam. Paano mo nalaman ang number ko?”

“I have my ways. Anyways, may offer ako sa’yo.”

“Kung ano man ‘yan, Mayor, wala akong paki.”

“You have all the right to show angst,” diretso ang tono ng boses niya sa buong pag-uusap.

“Buti alam mo. Sampung taon mo kami pinabayaan. Siguro naman alam mo naman na patay na si Mama. At hindi na kita ginagambala diyan. Ano pang nilalapit-lapit mo ngayon?”

“Hear me out. Baka gusto mo lang ‘tong sasabihin ko. May tinatayong government hospital dito sa Ilocos. Patapos na. Bakante pa ang Senior Medical Technologist position. Iniisip ko baka interesado ka.”

Shit. Ang gandang experience no’n! At malaki ang sahod sa government hospital. Senior Medical Technologist? Fuck.


>>> EDSA

“Hindi na. Okay na ko sa clinic ko at mga raket ko,” pa rin ang nasabi ko nang may asar.

“Aling raket? Pagbabanda? Sus, ‘yan ba pinagmamalaki mo?”

Ang daming alam nitong demonyong ito. “Tulad nga ng sabi ko, wala kang paki. At kung sa pagmamalaki lang, marami akong maipagmamalaki sa’yo. Hindi ako katulad ng mga spoiled brad mong mga anak. Nabuhay ako ng mag-isa sa loob ng ilang taon. Masaya na ako dito. Bakit pa ako babalik diyan?”

“Ikaw ang bahala, may idadagdag pa pala ako. May kaibigan akong nagtatayo rin ng ospital sa Saudi ang kaibigan ko. Irereto rin sana kita. Ayos na ayos ang magiging experience mo as Head ng Medtech Department para mapasok ka do’n.”

Tangina. Saudi? Tangina talaga. Naririnig ko ang tunog ng carsh register sa utak ko.

“Bakit mo ba ‘to ginagawa, Mayor?” banas kong tanong.

“Kasi anak kita. Sabihan mo ako within this week kung gusto mo.”

Tapos naputol ang linya.



Pucha naman, oh. Maayos na ako nanggulo pa.


>>> GIL PUYAT

Nag-text si Sheryl.

Hey Jay. I want you tonight. ;)

Napangisi ako. Matagal na rin pala kaming hindi nagkikita ni Sheryl. Mukhang mapapalaban na naman ako.

Magre-reply na sana ako, nang bigla akong nakaramdam ng hininga sa batok ko. Mainit. Amoy sabon.

Doon ko napagtantong parang hindi tama ang inisip ko.

Pero nag-text pa rin ako.

Rodney. Sabay ba tayo pupunta ng praktis? =)


>>> QUIRINO

May tumawag sa cellphone. Si Sonny.

“Napatawag ka?” pagsagot ko sa telepono.

“Hindi na tuloy ang praktis.”

“Oh, bakit naman?”

“May sakit si Rodney. Hindi mo ba alam?

Parang may kung anong kirot akong naramdaman nang marinig ko iyon.

“Hindi ko alam.”



Napaisip ako. Mukhang mapapaaga ang kitaan namin ni Sheryl kung sakali.

Makakarami kami malamang.

Pupuntahan ko ba si Sheryl?

Napaka-no-brainer ng sagot.



--------------------------------------------------------------------------------------------



>>> 5TH AVENUE


“Jayjay! Ano’ng ginagawa mo dito?” gulat na turan ni Rodney nang pumasok ako sa kuwarto niya.

“Bumibisita sa may sakit,” sarkastiko kong sagot.

Nakahiga siya at nakataklob ng kumot.

Ngumiti siya, “lalo naman akong lalagnatin niyan sa’yo, eh.”

“Bakit hindi mo sinabi sa akin? Hindi ka pa nagre-reply.”

“Sorry Jay. Ayoko kasi na mag-alala ka. Saka trangkaso lang naman ‘to.”

Nilapitan ko siya at umupo sa kama sa tabi niya, “Rodney, alam kong malakas ka. Pero hindi ka superhero. Magpahinga ka at magpa-alaga.”

Tumango siya. “Aba basta ikaw mag-aalaga sa akin, baka bukas masigla na ako ulit.”

“Hahaha. Sira.” Dinama ko ang leeg niya. “Mainit ka pa. Kailan ka huling uminom ng paracetamol?”

“Mga two hours ago po, Doc.”

“Two hours after pa ang next dose. Sige, pupunasan muna kita nang lumamig ka ng kaunti.”

Ngumisi siya. “Mukhang masaya ‘yan, ah. Bed bath. Haha.”

Pabirong binatok ko siya, “ugok.”



Nang maihanda ko na ang bimpo at ang malamig na tubig mula sa CR, pinahubad ko na kay Rodney ang t-shirt niya.

Pa-cute na nakangiti siya at nakatingin sa akin habang tinatanggal ang pantaas niya. Muli ko na namang nasilayan ang magandang porma ng katawan niya.

Napalunok ako habang nakikipagtitigan sa kanya at nagpipiga ng bimpong nilublob ko sa tubig.

Pinalakbay ko ang basang face towel sa leeg niya, sa braso niya, sa kamay niya, sa dibdib niya, sa tiyan niya at sa likod niya.

Masarap damhin ang init ng katawan niya. Ang malambot at makinis na kutis na bumabalot sa matigas na laman.

Nakapikit lang si Rodney habang malalim ang paghinga.

Pinatuyo ko ng twalya ang torso niya, tapos pinasuot ng bagong damit.

Tapos pinunasan ko naman ang kanyang mga hita at binti.

Nagpakawala ng ilang impit na ungol si Rodney. Tapos magso-“sorry.”

Nang matapos ako sa kanyang pang imbabang parte ng katawan ay inihagis ko sa kanya ang bagong basing bimpo. “Ikaw na gumawa sa natirang parts.”

Napatingin siya sa crotch area tapos pilyong ngumiti sa akin, “aww… But that’s the best part!”

Nag-fuck-you sign ako sa kanya. “Manyak mo talaga!”

Tawanan lang kami habang nililinis ang natirang parte ng katawan niya.



“Knock knock!” bulalas ko.

“Aba aba! Mukhang may baon ka ngayong knock knock joke!” hirit niya, “who’s there?”

“Manong, pa-load naman. How much? Magkano?”

“Kahaba naman niyan! Sige. Manong paload… Hehe, di ko na maalala. Who?”

Pitik-pitik pa ako. Style ala-Rodney. “Tentenenen. Nothing’s gonna change my love for you. Manong paload naman, how much magkano…

Pareho kaming napalakhak nang malakas.

“Puta Jay… Ang cute mo! ‘Wag ganyan, lalo ako nahuhulog, eh!”

Nawala ang tawanan. Napalitan ng ilang na katahimikan.



“Kumain ka na ba ng dinner mo?” tanong ko sa kanya.

“Wala akong gana, eh,” yamot niyang tugon

“Nagsusuka ka ba?”

“Hindi naman.”

“Aba’y kumain ka! Kahit dry crackers lang kung ‘di mo ma-tolerate ang full meal.” Naghanap ako sa bag ko, “may skyflakes ako dito.”

Binuksan ko ang pakete, pumutol ng isang piraso at inabot sa bibig ni Rodney. “Ah.”

“Ahh…” Binuka niya ang bibig niya at sinubo ang cracker na bigay ko.

Nakangiti siya sa akin habang ngumunguya.

Nakakatuwang tingnan ang malaking bulas na inaalagaan ko parang bata.

Ngayon ko lang napansin mukha na talaga kaming magkasintahan sa ginagawa namin.

Nilagay ko sa kamay niya ang mga crackers, “‘yan sige. Iyo na ‘yan kainin mo na.”

Habang kumakain siya nagtititigan kami.

Hindi na bago sa akin ang titigan siya. Impulse na ‘yon na tanggap ko nang hindi ko mako-control.



“Jayjay… So far, this thing here… Hetong ginagawa mo… Hetong pag-aalaga mo para sa’kin. This is priceless. Thank you.”

“Wala pa ‘to sa lahat ng ginawa mo para sa akin, Rodney.”

“Tinitingnan ko pa lang ang mukha mo Jay, gumagaling na ‘ko.”

“Adik. Superficial at organic na sakit lang ang napapagaling ko sa’yo. Pero ikaw, nilunasan mo ang mga sugat sa pagkatao ko.”



“I love you, Jayjay.”



Patay. Heto na. Binitawan niya na naman ang mga salitang nakakatunaw ng puso, pero nakakakaba. Dahil ito ang mga tipo ng linya na mahirap sagutin.

“Salamat Rodney,” tapos agad kong inayos ang bag ko, “mauna na ‘ko. Gabi na. Pagaling ka, huh?”

Masaya ang pakiramdam ko, pero ayoko na ma-stuck kami muli sa isang awkward na sandali.

Masakit na makita si Rodney na walang kaabog-abog na nagmamahal sa isang patapong katulad ko.



Bago ako lumabas ng kuwarto niya, nagsalita si Rodney. “Jayjay, sandali.”

Napatigil ako at napalingon. Naghintay sa sasabihin niya.

“Tayo na ba?”

Hindi ako sumagot. Tumungo lang ako. Mahalaga sa akin si Rodney. Ayoko rin siyang mawla sa buhay ko. Pero wala pa sa hinagap ko ang ibigin siya. Wala pa sa hinagap ko na magkaroon ng relasyon, lalo na sa kapwa ko lalaki.

“Hindi mo kailangang sagutin kung hindi ka pa handa. Maiintindihan ko,” bawi ni Rodney.

Suminghot ako.

Suminghot din siya.



“Hindi kita iiwan, Rodney,” bigla kong nasabi ng hindi nag-iisip, “sa ngayon, kung may ipapangako ako, ‘yun ay ang andito ako habangbuhay para maging kasangga mo at kaibigan.”

May tumulong luha mula sa mga mata Rodney. Ngumiti siya.

“Thanks Jay. Okay na muna ‘yun sa ngayon.”

Nginitian ko din siya.



Kung wala lang akong pasok bukas, hindi na ako aalis sa tabi niya.

Hindi rin kasi patas para sa kanya dahil hindi ko pa kayang ibigay ang gusto niya.

Ayoko nang umalis sa tabi mo Rodney.
10

THE LIGHTNING TRAIN COMMUTERS BAND (CHAPTER 38)


By: Hallur


CHAPTER 38: TEARS IN HEAVEN (Eric Clapton)


Magkatabing naka-indian-sit kami ni Rodney sa harap ng lapida ni Mama.

Matagal ang kuwento ko. Malakas ang hagulgol ko.

Sa buong panahong iyon ay nakikinig lang siya sa akin at sa malungkot kong buhay.



“Naiiintindihan ko na ngayon ang mga hinanakit mo sa buhay, Jayjay,” malumanay niyang sambit sa akin, “pero hindi mo kasalanan ang nangyari. Hindi rin kasalanan ng pagkahilig mo sa music.”

“Alam ko naman ‘yon, Rodney. Alam ko na nung una pa lang na nangyari lang ang lahat kasi parang destined lang talagang mangyari. Pero gusto ko makakita ng rason. Wala naman akong masisi. Kaya sinisi ko ang sarili ko. ‘Yan ang dahilan kung bakit napakalungkot ng buhay ko.”

Hinawakan niya ang balikat ko, “I think it’s time for you to be kinder to yourself. Tingin ko, mas gugustuhin din ng Mama mo na magpatuloy ka sa buhay mo na masaya ka.”

Malakas na hikbi lang ang sinagot ko. Tapos tumayo ako dahil namamanhid na ang binti ko.

Sumunod din siya ng tayo, “At tingin ko rin, mas magugustuhin ng Mama mo na ipagpatuloy mo ang hilig mo sa musika. Na tuparin mo ang mga pangarap niyong naudlot. Huwag mong sayangin ang buhay niya na binuwis niya para isalba ang iyong musika.”

Napatingin ako sa pulang kahon na nasa tabi ng puntod ni Mama. Kinuha ko iyon.

“Ang tagal ko nang hindi ‘to binubuksan,” sabi ko habang binubuksan ang kahon.

Sumilip sa loob si Rodney, “woah! Ang dami naman nito! Kanta mo lahat ‘yan?”

Tumango ako, “oo. Hindi kasama diyan ‘yung mga emo na kanta na sinisipra natin ngayon sa banda. Ito ‘yung hinahanap ni Sonny na masasayang kanta. Pero siyempre ‘yung iba dito, sa sobrang tagal, obsolete na. Sana maalala ko pa ang tono ng mga ‘to.”

“Grabe Jay, bilib na talaga ako sa’yo.”

Bumuntong-hininga ako, “dalawang taon. Dalawang taon ang sinayang ko.”

Umiling siya, “Jayjay, huwag mo nang isipin ‘yan. Ang mahalaga, ang ngayon.”

“Bakit kasi ngayon ka lang dumating?” bigla kong nasabi nang hindi nag-iisip.

Ngumiti siya sa akin, “dahil ngayon ang tamang oras, Jay.”

Ginawaran ko rin siya ng ngiti.



Ibinaba kong muli ang pulang kahon.

Katahimikang matagal.

Tumingin ako sa lapida, “Mama. Miss na miss na kita.”

“Anak…”

Nagulat ako sa tinuran ni Rodney. Napalingat ako sa kanya. Laking gulat ko nang makita ko ang ekspresyon ng mukha niya. Blangko at parang inaantok. Pero ang mata niya, parang sobrang glazed. Nag-iba ang kulay at parang kumapal.

“Anak, mahal na mahal kita… Hindi kita iiwan…” napakalamyos ng boses ni Rodney, “gusto ko lagi kang masaya anak… Proud na proud ako sa’yo.”

Muling umagos ang luha ko nang mapagtanto kong hindi na si Rodney ang kausap ko.

Inakap ko ang katawan ni Rodney. Iba ang init niya. Iba ang amoy. Iba ang pakiramdam. Pero parehong nakakagaan ng loob.

“Mama…! Mahal na mahal din kita… Thank you sa buhay mo na nilaan mo para sa’kin…”

Sumilay ang isang ngiti. Hindi kay Rodney ang ngiting iyon. “Anak… I love you… Babantayan ka namin lagi ni Junjun mula rito…”



“Jayjay, ano’ng nangyari?” tanong ni Rodney pagkaraan ng ilang segundo.

Kumalas ako sandali at tinitigan siyang muli. Wala na ang wirdong expression. Wala na rin ang glazed niyang mata. Nakabalik na siya.

“Parang kanikanina kasi parang nawalan ako ng huwisyo at nanlamig ako ng hindi ko namamalayan,” eksplika niya, “ni hindi ko nga napansing inakap mo ‘ko.”

Niyakap ko lang siya ulit. Mahigpit.

Nalito yata siya sa ginawa ko.

“Salamat, Rodney…”

Binalot niya ang mga braso niya sa akin. “Anything for my sweet sweet Jayjay…”



Habang yakap ko si Rodney, lumipad ang utak ko. Biglang nagawi sa hinagap ko ang artwork na pinagawa niya sa akin noong isang linggo. Ang mga parisukat. At ang dalawang bilog.

Sa imahinasyon ko, kinukulayan ko ang puting bilog ng pula.



--------------------------------------------------------------------------------------------



“Well, I am glad to tell you that I, and the record producers and the company officials are very much pleased and impressed with what you just presented. It is my pleasure to welcome, ‘Lightning Train Commuters,’ as the new band that will pioneer Pulse Harmony Incorporated!”

Naghiyawan kaming lima. Sa wakas! Nakakuha na kami ng record deal!

Akapan. Apiran. Sigawan. Palakpakan. Talunan.

“Marami pong salamat sa pagbigay sa amin ng chance,” sabi ko.

“You all deserve it. Napakagaling niyo,” sagot ng company official, “but I hope whatever transpired the last time, sana hindi na maulit. Hindi kami mangingiwing magtanggal ng isang band member if we find him unfit.”

Tumango ako, “naiintindihan ko po. Hindi na po mauulit.”

“Well, start collecting your songs, and we will start the recording for your album,” aniya, “hindi natin mamadaliin. We will put time into this para we can come out with a perfect album that will launch you together with this fast growing recording company.”



Paglabas namin ng building hindi magkamayaw ang mga hiyaw at tawa namin.

Tatlong araw pagkatapos ng bisita ko sa sementeryo, muli kaming humarap sa mga opisyal para sa audition.

At hindi tulad ng dati, malinis na ang tugtog ko. Iba talaga kapag na-reach na ang closure.

Sa gitna ng aming talunan at pages-celebrate, nagtama ang tingin namin ni Sonny. Gumaan ang loob ko nang makita siyang ngumiti sa akin. Medyo awkward kasi nung una, dahil nga sinapak niya ako noong huli.

“Wala kang bugbog ngayon. Halimaw kasi adlib mo kanina,” biro niya.

Natawa ako, “subukan mo lang, gaganti na ‘ko!”

Tapos nag-apir kami at nag-handshake ng mahigpit na mahigpit. Ngayon talagang napagtanto ko na. Hindi ko lang kabanda si Sonny, Marko, Wendell at Rodney. Matalik ko silang mga kaibigan. At sabay-sabay naming pupuntahan ang tagumpay na minimithi namin.

“Salamat sa paghihintay, Sonny.”

“Salamat sa pagbalik, Jayjay.”



“Yahoo! Bati na sila!” puna ni Wendell.

“Drama niyo mga parekoy!” dagdag ni Marko.

“Dahil diyan, manlibre ka naman Jayjay!” biro ni Rodney.

“Kung si Jayjay lang din ang manlilibre, huwag na rin ‘oy,” pambabara ni Sonny, “sa isawan lang tayo dadalhin niyan. Magka-hepa pa tayo.”

Halakhakan kami lahat.

“Papuchino na lang Jayjay!” hirit ni Rodney.

“Ulol ka, ayaw mo pa rin ako tigilan diyan!” humangos ako sa kanyang nakakuyom ang kamay.

Tumakbo siya patalikod papalayo, “one papuchino, regular!”

Naabutan ko siya at pabirong sinapak sa balikat. “Akala mo kung sino kang astigin!” Ako pa yata ang nasaktan. Tigas naman kasi ng muscle.

Humagalpak lang lalo si Rodney.



“Aba aba aba, nagbibiruan na ang tiklador at bokalista,” bulalas ni Wendell.

Saglit akong hindi nakaimik.

Napatigil din si Rodney.

“Parang dati rati nagsisigawan kayo sa gitna ng ensayo, ngayon naghahabulan pa kayo,” ani Marko.

Pabirong binatukan ako ni Rodney, “na-tame ko na ‘tong tiklador natin! At siyempre magaling na akong kumanta ngayon. Wala na siyang flat na masita ngayon!”

“Aray ko! Bakit may batok?!” protesta ko.

Tawanan lahat.

“Guys, seryoso na ‘to, huh?! Kaya wala na munang distractions,” mariing banggit ni Sonny, “tigilan muna ang pambabae. Lalo na kayo, Jayjay, Rodney.”

Nagtinginan kami ni Rodney. At nangngisihan.



--------------------------------------------------------------------------------------------



>>> TAYUMAN

Pauwi na galing sa recording company.

“Kailangan ko na ring maghanap ng masasayang kanta sa pulang kahon, o kaya magsulat ng bago” sabi ko, “directive ni Sonny. Kasi ipapakita na natin set natin sa recording company.”

“Bigyan kitang tip kung paano ka magkakaroon happy disposition habang nagsusulat ng kanta,” ani Rodney.

“Shoot.”

Ngumiti siya sa akin, “just imagine na ako ikaw kapag magkasama tayo. Then you’ll feel blissful happiness.”

Hindi ako nakasagot agad.

Ginawaran ko muna siya ng ngiti rin.

“Hindi ko na kailangang mag-imagine Rodney. I know exactly how it feels.”
0
 photo ebcd0232-58ee-4505-a7db-6ba1089e6326_zpsa65e0d6f.png  photo 6003ed2d-0551-40b7-82e5-08b8d9e1c62d_zps4c051720.png
 
Support : Lasfera Hub | Bi-Romance | Hunks Nex-Door
Copyright © 2011. Pinoy M2M Story - All Rights Reserved
Like Us on: Facebook
Proudly powered by Blogger